Hesus, ako’y ugitan
1
|
Hesus, ako’y ugitan Sa buhay kong mabagyo; Alon nasa harapan, Buhawi’t batong lilo; Mapa at paraluman - Hesus ako’y ugitan. |
2
|
Tulad ng ina ng bata, Patahimikin Mo na - Dagat ay mamayapa Ayon sa Iyong salita; Hari ng karagatan - Hesus ako’y ugitan. |
3
|
Darating sa baybayin, Mabangis man ang alon, Ako’y mapayapa rin, Sa piling Mo, Pangino’n Marinig Iyong salita: “Uugitan nga kita.” |