Ngayong araw, pinili ko
1
|
Ngayong araw, pinili ko, Hesus Tagapagligtas ko! Puso’y nagningas sa galak Ipagsabing may halakhak. |
Araw na may galak! Niligtas Niya’t pinagalak! Dugong mahal, sala’y hugas, Tubig buhay, uhaw lutas, Araw na may galak, Niligtas Niya’t pinagalak! |
|
2
|
Di nagsisi nang maangkin; Ako’y Kanya, Siya ay akin; Siya’y nag-akit, aking sundin, Pagtawag Niya’y tutugunin. |
Araw na may galak! Niligtas Niya’t pinagalak! Dugong mahal, sala’y hugas, Tubig buhay, uhaw lutas, Araw na may galak, Niligtas Niya’t pinagalak! |
|
3
|
Nagdalawang isip noon, Pangino’n ang sentro ngayon; Siya lamang wala nang iba, Siya ang tanang pagpapala. |
Araw na may galak! Niligtas Niya’t pinagalak! Dugong mahal, sala’y hugas, Tubig buhay, uhaw lutas, Araw na may galak, Niligtas Niya’t pinagalak! |
|
4
|
Pakinggan Mo, panata ko, Araw-araw napabago! |
*Hanggang huling sandali ko, Ako ay pagpalain Mo. *(Nawa’y hanggang pagdating Mo, Pagpalain lagi ako.) |
|
Araw na may galak; Niligtas Niya’t pinagalak! Tinuruan manalangin, Ako’y naging magalakin; Araw na may galak, Niligtas Niya’t pinagalak! |
|
* Sa mga nagnanais na makita ang Panginoon nang buhay, ang dalawang huling linya ng saknong 4 ay maaaring awitin nang: Nawa’y hanggang pagdating Mo, pagpalain lagi ako. |