Sa Iyong karunungan, Ama

B23 C20 CB23 E23 G23 K20 P20 R19 S16 T23
1
Sa Iyong karunungan, Ama,
Ayon sa Iyong hangad,
Walang hanggang layunin Mo’y
Anak ang nagtupad.
Sa Iyong karunungan, Ama,
Ayon sa Iyong hangad,
Walang hanggang layunin Mo’y
Anak ang nagtupad.
 
O kay yaman at kay lalim,
Ng Iyong karunungan!
Habag at biyaya’y doon
Aming nasumpungan!
O kay yaman at kay lalim,
Ng Iyong karunungan!
Habag at biyaya’y doon
Aming nasumpungan!
2
Kay inam ng sangnilikha,
Nakita dunong Mo,
Lahat ay sa Iyo nagbuhat,
Sa Iyo rin tutungo.
Kay inam ng sangnilikha,
Nakita dunong Mo,
Lahat ay sa Iyo nagbuhat,
Sa Iyo rin tutungo.
3
Dunong sa sala’y nagpinid,
Nang awa’y matanghal,
Upang walang magmapuri
Bukod sa Iyo Mahal.
Dunong sa sala’y nagpinid,
Nang awa’y matanghal,
Upang walang magmapuri
Bukod sa Iyo Mahal.
4
Sa dunong at krus ginanap
Pagtubos Mo sa ’min,
Nang Ika’y aming taglayin
Sa ’spiritu namin.
Sa dunong at krus ginanap
Pagtubos Mo sa ’min,
Nang Ika’y aming taglayin
Sa ’spiritu namin.
5
Iyong dunong naipaalam,
Dahil sa ekklesia
Sa lahat ng pamunuan
Sa sangkalangitan.
Iyong dunong naipaalam,
Dahil sa ekklesia
Sa lahat ng pamunuan
Sa sangkalangitan.
6
Sa habag magmapuri sa
Bagong Herusalem,
Ang karunungan Mo’y ganap
Aming aarukin.
Sa habag magmapuri sa
Bagong Herusalem,
Ang karunungan Mo’y ganap
Aming aarukin.