Sa sarili palayain
1
|
Sa sarili palayain, Sa likas ni Adam din; Pangino'n itayo ako, Sa banal na templo Mo. Iligtas sa kaibhan ko, Pagkamakaisa ko, Tanggapin awtoridad Mo, Tahanan Mo'y itayo. |
2
|
Sa pagdaloy ng buhay Mo, Lalago't mababago; May ko'rdinasyong matamis, Sa Iyo napapawangis; Tanganan ang kaayusan, Tungkulin ay gampanan, Sa Katawa'y naglilingkod, Ang nais Mo'y masunod. |
3
|
Sa alam, karanasan ko, Di dapat magpalalo; Kundi maging masunurin Sa Kat'wan 'ko'y ayusin. Tanganan Ulo nang lubos, Paglago'y walang paltos; Kasu-kasuan nagtustos, Mailapat nang lubos. |
4
|
Nagpasigla 'Spiritu Mo Sa taong-panloob ko; Di-masukat Iyong pag-ibig, Nais ko ring mabatid. Tamasahin ko Iyong yaman, Hanggang sa mapuspusan; Patuloy na gumugulang, Matayo Iyong Katawan. |
5
|
Sa bahay ng Diyos itayo, Maging sa Katawan Mo; Sa sisidlang sama-sama, L'walhati Mo'y makita. Nang Iyong Kasi, and lunsod nga, Mapakita sa lupa; Maningning patungang-ginto, Itanyag halaga Mo. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?