Pangino'n, lahat Ka sa aking buhay

B433 C381 CB841 D841 E841 F149 G841 K381 LSM240 P236 R570 S359 T841
1
Pangino'n, lahat Ka sa aking buhay,
Kapuspusan ng Diyos Iyong ibinigay,
Pinaging-banal ng Iyong kalikasan,
Muling-pagkabuhay Mo'y kalakasan.
Pangino'n, lahat Ka sa aking buhay,
Kapuspusan ng Diyos Iyong ibinigay,
Pinaging-banal ng Iyong kalikasan,
Muling-pagkabuhay Mo'y kalakasan.
2
Agos ng buhay Mo ang nagdadala
Ng liwanag at pagsasalamuha,
Tustos sa kailangan, sa Iyo'y nakamtan,
At paglilinis din sa Iyong harapan.
Agos ng buhay Mo ang nagdadala
Ng liwanag at pagsasalamuha,
Tustos sa kailangan, sa Iyo'y nakamtan,
At paglilinis din sa Iyong harapan.
3
Ang kaluluwa ko at espiritu
Babarang lubos ng Espiritu Mo;
Iyong baguhin, sa wangis Mo ihubog,
Hanggang sa Iyong buhay ako'y mahinog.
Ang kaluluwa ko at espiritu
Babarang lubos ng Espiritu Mo;
Iyong baguhin, sa wangis Mo ihubog,
Hanggang sa Iyong buhay ako'y mahinog.
4
Masaganang buhay Mo'y umaagos,
Nagpapanariwa at tumutustos;
Nilulon ng buhay ang kamatayan,
Inalis ang gapos at kadiliman.
Masaganang buhay Mo'y umaagos,
Nagpapanariwa at tumutustos;
Nilulon ng buhay ang kamatayan,
Inalis ang gapos at kadiliman.
5
Sa Iyo ibibigay ang aking lahat,
Nang layunin Mo'y sa akin matupad;
'Di na magsumikap magpakabuti,
Nang di mahadlangan Iyong minimithi.
Sa Iyo ibibigay ang aking lahat,
Nang layunin Mo'y sa akin matupad;
'Di na magsumikap magpakabuti,
Nang di mahadlangan Iyong minimithi.
6
Tigil ang sariling pagsusumikap,
Pagbabago ng buhay Mo'y matanggap,
Nang ako'y kasamang maitatayo
Na Iyong kahayagan, l'walhati sa Iyo.
Tigil ang sariling pagsusumikap,
Pagbabago ng buhay Mo'y matanggap,
Nang ako'y kasamang maitatayo
Na Iyong kahayagan, l'walhati sa Iyo.