Kawal ka ni Kristo

1
Kawal ka ni Kristo,
Ika'y namuno,
Dati'y nagpalalo,
Kaya't natalo;
Kay Kristo umasa,
Huwag sa sarili mo,
Lahat, iyong magagawa
Sa nagpalakas sa iyo.
2
Sa iyong paglilingkod
Sa katuwiran,
Di ka ba napagod?
At nahirapan?
Ika'y magtiwala
Sa Manliligtas mo,
Lahat, iyong magagawa
Sa nagpalakas sa iyo.
3
Kung bagot sa daan,
'Tulungan ka Niya,
Nagagalak ka man
O nagdurusa;
Apoy man o baha -
Mapanaigan mo,
Lahat, iyong magagawa
Sa nagpalakas sa iyo.
4
Sa masamang mundo,
Kalat ang tukso,
Kung tututulan mo,
Diyablo'y tatakbo;
Wala na siyang bisa
Kung ipahayag mo,
Lahat, iyong magagawa
Sa nagpalakas sa iyo.
5
Ang lakas ni Kristo
Hindi masukat,
Mag-iingat sa iyo
Sa lahat-lahat;
Sapat Niyang biyaya
Lumulukob sa iyo,
Lahat, iyong magagawa
Sa nagpalakas sa iyo.