Pinakakahul'gan ng biyaya -

B289 C376 CB497 E497 F86 G497 K376 P234 R348 S211 T497
1
Pinakakahul'gan ng biyaya -
Diyos sa Anak ating matamasa;
Hindi anumang bagay na tangi,
Kundi Diyos Mismo aking bahagi.
Pinakakahul'gan ng biyaya -
Diyos sa Anak ating matamasa;
Hindi anumang bagay na tangi,
Kundi Diyos Mismo aking bahagi.
2
Nagkatawang-tao ang Diyos Mismo
Nang Siya'y matanggap ng mga tao;
Ang biyayang ipinagkaloob
Ay si Kristong nasa aking loob.
Nagkatawang-tao ang Diyos Mismo
Nang Siya'y matanggap ng mga tao;
Ang biyayang ipinagkaloob
Ay si Kristong nasa aking loob.
3
Sukal lahat kay Apostol Pablo,
Kanyang biyaya'y tanging si Kristo,
Nang dahil dito siya ay nagpagal
Higit sa lahat ng mga banal.
Sukal lahat kay Apostol Pablo,
Kanyang biyaya'y tanging si Kristo,
Nang dahil dito siya ay nagpagal
Higit sa lahat ng mga banal.
4
Si Kristo sa aki'y kalakasan,
Biyayang sapat, maaasahan,
Nagpalakas sa espiritu ko,
Kalooban ng Diyos ay mabuo.
Si Kristo sa aki'y kalakasan,
Biyayang sapat, maaasahan,
Nagpalakas sa espiritu ko,
Kalooban ng Diyos ay mabuo.
5
Ang biyaya ay buhay na Kristo,
Tagapag-alaga at lahat ko;
Ang biyaya'y nais kong tantuin,
Hihigit pa ang tatamasahin.
Ang biyaya ay buhay na Kristo,
Tagapag-alaga at lahat ko;
Ang biyaya'y nais kong tantuin,
Hihigit pa ang tatamasahin.