Ama, Anak Mo ang nangunguna

1
Ama, Anak Mo ang nangunguna,
Magpuri matapos ng handaan;
Kay tamis, kay mahal sa Iyo, Ama,
Awit at puri sa kaisahan.
2
Bukod sa Iyo, walang kabutihan,
Walang higit pa sa pag-ibig Mo;
Sinasamba Ka, pagka't natikman
Kasarapan ng buhay dibino.
3
Sa Iyong pag-ibig ang pag-ibig ko
Lumago, daig ang kamunduhan;
Sa kalakasan ang pag-ibig Mo,
Dalhin ako sa galak sukdulan.
4
Ama, ang Iyong Anak aming sundan,
Papurihan Ka nang walang hanggan;
Pag-ibig Mo'y aming kasiyahan,
Natamasa tamis ng Iyong ngalan.
1
Francis Y Chow

Anaheim, California, United States

Salamat Abba Padre!