Ama, Ika'y sambahin

1
Ama, Ika'y sambahin,
Mapitagang harapin,
Kristo'y tanging lakas nga,
Ama, sambahin Ka.
2
Pag-ibig kay dakila,
Akin nang namatay Siya,
Pati kat'wiran, b'yaya,
Ama, sambahin Ka!
3
May salang dating sukal,
Ngayo'y anak may rangal
Kay yaman ng biyaya,
Ama, sambahin Ka!
4
Ngayo'y sa espiritu,
Realidad si Kristo;
'Samyong hain, taglay Niya,
Ama, sambahin Ka!
5
Ihahandog kong muli,
Malalim na papuri,
Pag-ibig Mo'y dakila,
Ama, sambahin Ka!