Panginoon, gawain Mo

C367 CB492 E492 G492 K367 P227 R341 T492
1
Panginoon, gawain Mo
Di lamang sa krus huminto,
Patuloy Kang namumuhay,
Ibang anyo ang Iyong taglay.
Panginoon, gawain Mo
Di lamang sa krus huminto,
Patuloy Kang namumuhay,
Ibang anyo ang Iyong taglay.
2
Patuloy Kang nagsalita,
Nagliligtas, gumigiya,
Ika'y naging Espiritu,
Tatanglawan mga tao.
Patuloy Kang nagsalita,
Nagliligtas, gumigiya,
Ika'y naging Espiritu,
Tatanglawan mga tao.
3
Espiritu Ka't lakas pa,
Patuloy Kang gumagawa:
Paghikayat at pagkilos,
Pag-aliw at pag-uutos.
Espiritu Ka't lakas pa,
Patuloy Kang gumagawa:
Paghikayat at pagkilos,
Pag-aliw at pag-uutos.
4
Ika'y naging Espiritu,
Pagdating Niya'y pagdating Mo,
Pagpuspos Mo'y pagtahan Niya,
Espiritu Mo, Ika'y Siya.
Ika'y naging Espiritu,
Pagdating Niya'y pagdating Mo,
Pagpuspos Mo'y pagtahan Niya,
Espiritu Mo, Ika'y Siya.
5
Sa loob ko'y Siyang tumupad
Ng mga utos Mo't hangad,
Tulad nang nasa lupa Ka,
Tinupad layon ng Ama.
Sa loob ko'y Siyang tumupad
Ng mga utos Mo't hangad,
Tulad nang nasa lupa Ka,
Tinupad layon ng Ama.
6
Ang makilala't sundin Siya
Ay makilala't sundin Ka;
Pagbababad, pag-apaw Niya,
Yaon ay pagpuspos Mo nga.
Ang makilala't sundin Siya
Ay makilala't sundin Ka;
Pagbababad, pag-apaw Niya,
Yaon ay pagpuspos Mo nga.
7
Di Ka sa malayong langit,
Na di muling lumalapit,
Nanatili Ka sa lupa,
Sa puso ko'y nakatira.
Di Ka sa malayong langit,
Na di muling lumalapit,
Nanatili Ka sa lupa,
Sa puso ko'y nakatira.