Naibukod, anong saya
1
|
Naibukod, anong saya! Sila'y pinagpala nga; Mula sa lahat nagbitiw, Sa Kanya'y naging magiliw. Pahinga'y na kay Hesus, Pahinga'y na kay Hesus. |
2
|
Kristo'y nagbukod sa akin, Nanguna sa lakarin; Paliwanag at larawan, Buhay Niya sa kabanalan. Sino ang masunurin? Sino ang masunurin? |
3
|
Lumabas sa kampamento, Pagnaisin Mo ako; Galak magpasakop sa Iyo, Tiisin pagtakwil sa Iyo. Mapasa Iyo nang lubos! Mapasa Iyo nang lubos! |
4
|
Sa maysala ay ibukod, At sa Iyo'y nagpalungkot; Gaya Mong mangangalaga, Sa maysala'y magtit'yaga. Nais Mo siyang gagawin! Nais Mo siyang gagawin! |
5
|
Pangino'n kata'y lubusan, Walang namamagitan Lubos sa Iyo ang paghandog Lubos sa Iyo, naibukod Hanggan sa walang hanggan. Hanggan sa walang hanggan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?