Espiritu ng buhay nasa atin

B160 C226 CB278 E278 F49 G278 K226 P151 R55 S134 T278
1
Espiritu ng buhay nasa atin,
Sa loob pampawi sa uhaw natin;
Atin Siyang iinumin nang mapuspos,
Mula sa ating loob Siya'y aagos.
Espiritu ng buhay nasa atin,
Sa loob pampawi sa uhaw natin;
Atin Siyang iinumin nang mapuspos,
Mula sa ating loob Siya'y aagos.
2
Ang Espiritu ng kapangyarihan,
Tulad sa balabal tayo'y daramtan,
Sa Kanya tayo ay nabautismuhan,
Upang Siya ay ating mapaglingkuran.
Ang Espiritu ng kapangyarihan,
Tulad sa balabal tayo'y daramtan,
Sa Kanya tayo ay nabautismuhan,
Upang Siya ay ating mapaglingkuran.
3
Espiritu ng buhay ay hininga,
Sa loob natin ito'y inihinga;
Ang Espiritu ng kapangyarihan,
Tulad ng hangin tayo'y hinihipan.
Espiritu ng buhay ay hininga,
Sa loob natin ito'y inihinga;
Ang Espiritu ng kapangyarihan,
Tulad ng hangin tayo'y hinihipan.
 
4a Ang bumangon na Poong Hesu-Kristo,
Hiningahan Niya mga disipulo,
Noong araw ng muling-pagkabuhay;
Ng l'walhating Espiritu ng buhay.
4a Ang bumangon na Poong Hesu-Kristo,
Hiningahan Niya mga disipulo,
Noong araw ng muling-pagkabuhay;
Ng l'walhating Espiritu ng buhay.
 
4b Ang Panginoong Hesus na umakyat,
Ibinuhos Niya sa mga alagad,
Ang Espiritu ng kapangyarihan
Sa Pentecostes, Pista ng Anihan.
4b Ang Panginoong Hesus na umakyat,
Ibinuhos Niya sa mga alagad,
Ang Espiritu ng kapangyarihan
Sa Pentecostes, Pista ng Anihan.
5
Nasa loob, Espiritu ng buhay,
Ng mga disipulo bilang buhay;
Ang Espiritu ng kapangyarihan
Para sa buhay tayo'y dinulutan.
Nasa loob, Espiritu ng buhay,
Ng mga disipulo bilang buhay;
Ang Espiritu ng kapangyarihan
Para sa buhay tayo'y dinulutan.
6
Itong Espiritu hindi dalawa
Ni magkahiwalay, ni magkaiba;
Isang Espiritu dalawang gamit -
Pamuspos ng buhay at pananamit.
Itong Espiritu hindi dalawa
Ni magkahiwalay, ni magkaiba;
Isang Espiritu dalawang gamit -
Pamuspos ng buhay at pananamit.
7
Panginoon, loob nami'y puspusin,
Buhay Mo sa amin ay palaguin;
At damitan ng Iyong kapangyarihan,
Kalooban Mo'y bigyang katuparan.
Panginoon, loob nami'y puspusin,
Buhay Mo sa amin ay palaguin;
At damitan ng Iyong kapangyarihan,
Kalooban Mo'y bigyang katuparan.