Ama sinasamba namin

B22 C19 CB22 D22 E22 F3 G22 K19 P17 R18 S15 T22
1
Ama sinasamba namin,
Kami sa Iyo'y umawit.
Kay banal Mo at kay tayog,
Pagsamba Iyong makamit.
Ama sinasamba namin,
Kami sa Iyo'y umawit.
Kay banal Mo at kay tayog,
Pagsamba Iyong makamit.
2
Puso Mo, Ama'y pag-ibig,
Kat'wiran ang gawa Mo;
Iyong kalikasan ay banal,
Ikaw ang bahagi ko.
Puso Mo, Ama'y pag-ibig,
Kat'wiran ang gawa Mo;
Iyong kalikasan ay banal,
Ikaw ang bahagi ko.
3
Sa dugong mahal ni Hesus,
Ako'y Iyong pinabanal;
At sa Iyong katotohanan,
Nabukod akong sakdal.
Sa dugong mahal ni Hesus,
Ako'y Iyong pinabanal;
At sa Iyong katotohanan,
Nabukod akong sakdal.
4
Sa Iyong Espiritu Santo,
Napabanal nga kami;
Sa espiritu, kalul'wa,
At katawan nang lagi.
Sa Iyong Espiritu Santo,
Napabanal nga kami;
Sa espiritu, kalul'wa,
At katawan nang lagi.
5
O! Hesus, banal na buhay
Sa biyaya'y naangkin;
Kabahagi kami'y gawin
Ng Iyong kabanalan din.
O! Hesus, banal na buhay
Sa biyaya'y naangkin;
Kabahagi kami'y gawin
Ng Iyong kabanalan din.
6
Sa banal na Herusalem,
Kabanalan ko'y puspos.
Walang hanggan kong pahayag,
Kabanalan Mo'y lubos.
Sa banal na Herusalem,
Kabanalan ko'y puspos.
Walang hanggan kong pahayag,
Kabanalan Mo'y lubos.