Kay lalim ng pag-ibig Mo

B91 C130 CB152 E152 F27 G152 K130 P79 R114 S76 T152
1
Kay lalim ng pag-ibig Mo,
Lawak di ko matanto!
Higit kaysa dagat lalim,
Umabot pa sa akin.
Sarili Mo'y ibinigay,
Upang Kita'y mataglay.
Ako'y nakahugpong sa Iyo,
Sangkap ng Katawan Mo.
Kay lalim ng pag-ibig Mo,
Lawak di ko matanto!
Higit kaysa dagat lalim,
Umabot pa sa akin.
Sarili Mo'y ibinigay,
Upang Kita'y mataglay.
Ako'y nakahugpong sa Iyo,
Sangkap ng Katawan Mo.
2
Di-mabigkas kay dakila,
Sa akin Iyong nagawa!
Sa akin Ka nakiisa
At nakihalo Ka pa.
Ibinigay Sarili Mo
Upang maging tustos ko;
Tuwing Kita matamasa'y
Ikaw ang Siyang mabuhay.
Di-mabigkas kay dakila,
Sa akin Iyong nagawa!
Sa akin Ka nakiisa
At nakihalo Ka pa.
Ibinigay Sarili Mo
Upang maging tustos ko;
Tuwing Kita matamasa'y
Ikaw ang Siyang mabuhay.
3
In'hayag ng pag-ibig Mo -
Ang pagka-Diyos Mong buo,
Kahulugan ng buhay ko,
Sa akin Ka mamuno.
Ikaw ang buhay at lakas,
Pag-ibig Mo'y dinanas,
Ako ang tagapagmana
Ng ganap Mong biyaya.
In'hayag ng pag-ibig Mo -
Ang pagka-Diyos Mong buo,
Kahulugan ng buhay ko,
Sa akin Ka mamuno.
Ikaw ang buhay at lakas,
Pag-ibig Mo'y dinanas,
Ako ang tagapagmana
Ng ganap Mong biyaya.
4
Di mawalay Ka sa akin,
Ako'y Iyong mamahalin,
Pag-ibig walang-kapantay,
Kata'y pinag-uugnay!
Pag-ibig Mo'y papurihan
At pasasalamatan!
Ikaw ay akin, ako'y Iyo
Dakila'ng pag-ibig Mo.
Di mawalay Ka sa akin,
Ako'y Iyong mamahalin,
Pag-ibig walang-kapantay,
Kata'y pinag-uugnay!
Pag-ibig Mo'y papurihan
At pasasalamatan!
Ikaw ay akin, ako'y Iyo
Dakila'ng pag-ibig Mo.