跳到内容
hymnal.net
hymnal.net
我的诗歌列表

Anong pag-ibig handog Mo

PAGSAMBA SA AMA SA KANYANG PAG-IBIG

Tagalog30
1
Anong pag-ibig handog Mo!
Salamat Ama ko;
Kami'y sumasamba sa Iyo,
Purihin lahat Mo!
2
Puso Mo'y bukas sa amin,
Hayag ang layunin;
Sa Anak Ika'y dumating,
Layon Mo'y tutupdin.
3
'Binigay Mo ang Iyong Anak,
Dumating, namatay;
Upang kami'y maging anak,
Nagmamanang tunay.
4
Sa Kanya'y taglay buhay Mo,
At Ama Ka namin;
Ang kalikasan Mo Mismo,
'Binahagi sa 'min.
5
Sa amin Iyong Espiritu -
Tawag: "Abba, Ama",
'Sinilang ng Espiritu
Upang matransporma.
6
Layunin Mo'y mga anak
Sa l'walhati'y dalhin;
Mapawangis sa Iyong Anak,
Kami ay gagawin.
7
Transpormasyon Mong gawain
Kami'y gagabayan,
Sa luwalhati dadalhin
Hanggang magampanan.
8
Anong pag-ibig handog Mo!
Salamat kailanman,
Kailan ma'y sasamba sa Iyo,
Puri'y walang hanggan.

Delete Comment

要删除此留言吗?此动作无法复原。

Khim Bitang

Davao City, Panabo, Philippines

七月 18, 2026

Salamat abba Ama..

阅读更多
Maeriehl Joy R.

Lucban, Quezon, Philippines

七月 27, 2025

Abba Ama! Salamat kailanman,
Kailan ma’y sasamba sa Iyo,
Puri’y walang hanggan.

阅读更多
Inchristjohncastro

Siniloan, Laguna, Philippines

三月 24, 2024

Anong pag-ibig handog Mo!
Salamat kailanman,
Kailan ma’y sasamba sa Iyo,
Puri’y walang hanggan!

阅读更多
Alphaomega

Lucena, Quezon, Philippines, Philippines

二月 4, 2024

Anong pag-ibig handog Mo! Salamat Ama ko; Kami’y sumasamba sa Iyo, Purihin lahat Mo!

阅读更多