Hebreo 8
Hebreo 8 | |
1
|
Ang ministeryo Mo, Ekselente ito; Mas mabuting tipan, Pangakong mas 'inam; Batayan mas 'buting utos. Tagapagtupad Kang lubos. |
2
|
Mas mabuting tipan, Pangakong mas 'inam; Mas mabuting utos Pagka't buhay lubos. Matupad gawang pagtubos, Mas mabuting dugo 'buhos. |
3
|
Sa Hebreo ocho, Daan nang mabuo; Buhay itinanim Sa kal'wa ilalin. Utos ng buhay ginuhit Sa damdamin, pasya't isip. |
4
|
H'wag ka nang babalik, Sa utos ng titik; Ang dapat habulin, Utos ng buhay rin. Titik patay na luma pa; Buhay ay bago't sariwa. |
5
|
Ang utos ng buhay, Sa lo'b ating taglay; Gumagawang kusa, Di sa pagpapasya. Mapuspos, mawangis sukat; Tularan sa lo'b kakalat. |
6
|
Sala'y napatawad, Buhay naigawad; Diyos, ngayo'y Diyos natin, Tayo'y bayan Niya rin. Sa lo'b kilala natin Siya; Atin na ang pagpapala. |
7
|
Magiging anak na; Buhay Niya'y gagawa Transpormang gawain, Tayo'y babaguhin. Tapos na ang panalangin - Anak 'ting pupurihin! |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?