Hesus, Panginoong mahal
1
|
Hesus, Panginoong mahal, Pag-ibig ko'y nakamtan; Sino ang sa Iyo'y katulad Sa tamis at karilagan? Ganda'y di mapaparisan, At di mapapantayan! |
2
|
Hesus, Panginoong mahal, Pagtawag Mo'y diringgin; Lahat ng bagay iniwan, Nang Iyong tinig mapakinggan; Paghahanap, kataasan, Nawalang kabuluhan. |
3
|
Hesus, Panginoong mahal, Lahat kong katigasan, Iyukod sa Iyong paanan, Magbalik nang may awitan; Naisin ko't kagalakan, Ikaw ay paglingkuran. |
4
|
Hesus, Panginoong mahal, Sumunod mang luhaan, Pipiliin lang Iyong daan; At di Kita papalitan. Hangad ko'y Iyong kaluguran, At ang kapayapaan. |
5
|
Hesus Panginoong mahal, Kapag Ika'y lumisan, Umaga'y tila naparam, Ngiti ko ay nakublihan; Iyong pagdating at presensiya Aking pinanabikan. |
6
|
Hesus, Panginoong mahal, Di ko lahat masambit; Akin Kang pag-ibig tangi, Kasiyahan at bahagi; Ikaw lamang iibigin, Wala nang hahangarin. |
7
|
Hesus, Panginoong mahal, Lahat ko'y ibibigay; Kay ganda mo at kay yumi, Ika'y kabigha-bighani, Ganda Mo'y di matularan, Di Ka mapaparisan! |