Hesus sa Iyong ganda 'ko'y nabihag
1
|
Hesus sa Iyong ganda 'ko'y nabihag, Puso ko sa Iyo'y binubuksan; Sa panrelihiyong gawa'y ikalag Sa Iyo manahan, 'ko'y tulutan. Pun'in ng liwanag ang puso ko, Nang Iyong l'walhati minamasdan; Iyong Espiritu sa 'kin ihalo, Pangino'n ako'y Iyong puspusan. |
2
|
Hesus, Ikaw ang Siyang nagniningning, Anak ng Tao sa luklukan; Ako'y tupukin upang magningning Ng Kristo sa 'king katauhan. Nang nasinag Iyong kal'walhatian, Pagl'walhati sa sarili ko Tuloy nahulog sa kahihiyan; Pag-ibig ko'y nabaling sa Iyo. |
3
|
Ang aking alabastrong sisidlan, Babasagin ko para sa Iyo; Iyong Ulo aking pinapahiran, Ang pinakamabuti ay Iyo. Pangino'n pinakaiibig ko, Lahat ko'y sa Iyo ibubuhos; Mamahaling langis in'handa ko, Pag-ibig para sa Iyong lubos. |
4
|
Sa bundok ng espesia, Irog ko, Minimithi Kitang makita; Mula sa bukal ng aking puso, Uminom Ka't 'ko'y mapahinga. Sa Iyo sumisinta di ako lang, Kundi lahat ng mga banal Na Iyong kasintahan; nag-aabang Sa Iyong pagdating, aming Mahal. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?