Kristong buhay papurihan
1
|
Kristong buhay papurihan, Diyos ng 'ting kaligtasan; Buhay dibino ang daan, Di regulasyon naman; Matapos magawa tanan, Buhay Niya may kakayahan Magtranspormang lubusan. |
2
|
Sukdulan tayong niligtas, Nagbibigay-buhay, lakas; Nilalin Kanyang Sarili, Niligtas tayong lagi. Nawala'y iniligtas Niya, 'Di lamang mula sa sala: Bagkus tungo sa glorya! |
3
|
Pagkasaserdote'y taglay, Tagapamigay-buhay; Sa sarili ko'y niligtas, N'yaong buhay ang likas; Buhay walang kasiraan, Ang nagligtas nang lubusan: Siya ay may kakayahan! |
4
|
Kwalipikado buhay Niya, Dalhin tayo sa glorya; Kung di sa subok Niyang buhay, Iba na ang salaysay; Subok buhay Niya sa lupa, Sa pagsilang hanggang krus Niya: Kahit sa kamat'yan pa. |
5
|
'Ligtas tayo, Siya'y nagprenda, Buhay Niya'y gumagawa; Upang mapasakdal tayo Lahat ginawang husto; Pinakamainam natin, Maituring bigo pa rin: Buhay Niya ang subukan! |
6
|
Namagitan para sa 'tin, Patuloy nanalangin; Saserdoteng walang hanggan, Magpakailanpaman; Buhay upang mamagitan, Saserdoteng 'ting kailangan: Higit ang kataasan. |
7
|
Magsilapit sa Diyos ngayon, 'Pahamak kung uurong; Magsilapit tam'hin buhay, Wastong pangsyon mataglay; Magsilapit, buhay kunin, Kamatayan lulunukin, Bayan Niya tayo'y 'turing. |
Hebreo 7
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?