Tao’y di lang nabubuhay

C589 CB814 E814 F146 G814 K589 R548 S346 T814
1
Tao’y di lang nabubuhay
Sa pagkain ng tinapay,
Kundi sa Salita ng Diyos,
Na siyang tunay nating buhay.
Tao’y di lang nabubuhay
Sa pagkain ng tinapay,
Kundi sa Salita ng Diyos,
Na siyang tunay nating buhay.
2
Tayo ay mayr’ong katawan,
Kaluluwa’t espiritu;
’Spiritu’y pinakaloob,
Upang ang Diyos ay mahipo.
Tayo ay mayr’ong katawan,
Kaluluwa’t espiritu;
’Spiritu’y pinakaloob,
Upang ang Diyos ay mahipo.
3
Kailangan nga ng katawan,
Ay pagkain na panlupa,
Kailangan din ng ’spiritu
Iyong Sarili, Iyong Salita.
Kailangan nga ng katawan,
Ay pagkain na panlupa,
Kailangan din ng ’spiritu
Iyong Sarili, Iyong Salita.
4
’Spiritu Ka’t Salita Mo,
Naghayag sa Sarili Mo,
Sarili Mo’y Espiritu,
Sa ’spiritu ko’y matamo.
’Spiritu Ka’t Salita Mo,
Naghayag sa Sarili Mo,
Sarili Mo’y Espiritu,
Sa ’spiritu ko’y matamo.
5
Nang matanggap Iyong Salita,
’Di lang basahin ng mata,
Ni sa isip maunawa,
Bagkus ’spiritu’y gumana.
Nang matanggap Iyong Salita,
’Di lang basahin ng mata,
Ni sa isip maunawa,
Bagkus ’spiritu’y gumana.
6
Ang Salita ay kainin
At tanggapin sa ’spiritu,
Natanto ay idalangin
Ensayuhin espiritu.
Ang Salita ay kainin
At tanggapin sa ’spiritu,
Natanto ay idalangin
Ensayuhin espiritu.
7
Ang Salitang nasa isip
Ay kaalamang pabigat,
Nguni’t buhay at ’spiritu
Kung sa ’spiritu nalapat.
Ang Salitang nasa isip
Ay kaalamang pabigat,
Nguni’t buhay at ’spiritu
Kung sa ’spiritu nalapat.
8
Tangi kung ang espiritu
Ay tatanggap ng Salita,
Salita Mo ay kakanin,
Sa panloob mahipo Ka.
Tangi kung ang espiritu
Ay tatanggap ng Salita,
Salita Mo ay kakanin,
Sa panloob mahipo Ka.
9
Sa pagbasa ng Salita,
Turuan Mong sanayin ko
Aking ’spiritu, Pangino’n,
Nang ako’y matustusan Mo.
Sa pagbasa ng Salita,
Turuan Mong sanayin ko
Aking ’spiritu, Pangino’n,
Nang ako’y matustusan Mo.