Ama, kami’y dumudulog sa Iyo
Ama, kami’y dumudulog sa Iyo
1
|
Ama, kami’y dumudulog sa Iyo, Sa ilalim ng mahal Niyang dugo; Wala nang namagitan sa atin, Kami’y malaya, Ika’y purihin! |
2
|
O Ama nais ihain sa Iyo, Ang samyo ng pangalan ni Kristo; Sa pananalig aming nakita, Ang napasaamin na biyaya. |
3
|
Sa Iyong galak aming kasalo Siya, Sa Kanya puso ko’y may ligaya; Higit ang ganda sa laksa-laksa, Hindi nalalaos l’walhati Niya. |
4
|
Sa harap ng Iyong trono sasamba, Sa pananalig aming nakita: Iyong Sintang Anak, mga kapatid, Nagsipagpuri nang walang patid. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?