Iyong daan, di akin
1
|
Iyong daan, di akin Ga’no mang kadilim; Patnubayan ako, Basta pinili Mo. |
2
|
Patag o mabato, Mabuti rin ito; Tuwid, liku-liko, Pahinga ang tungo. |
3
|
Ako sa sarili’y Nangambang pumili; Ikaw ang magpasiya, Mat’wid aking paa. |
4
|
Sa dusa o saya, Saro ko’y punin na; Masunod Iyong pasiya, Buti man o sama. |
5
|
Katoto’y piliin, Mabuti sa akin; Ikaw ang magtakda Kaayon pa Kita. |
6
|
Anumang mangyari, Ika’y aking Hari; Gabay Kitang mahal, Dunong na marangal. |