Kung may sampung libong dila
1
|
Kung may sampung libong dila, Hesus pupurihin, Kay yaman ng biyaya Niya At mal’walhati rin. |
2
|
Aliw ko ang ngalang Hesus, Nagtaboy ng kaba; Buhay at pahinga ko Diyos, Naging aking kanta. |
3
|
Nang dahil sa pag-ibig Niya, Dinanas ang dusa; Ako’y niligtas sa sala, At pinalaya na. |
4
|
Di bagay sa pag-ibig Niya, Ako ay salarin; Bakit kaya biyaya Niya Dumating sa akin? |
5
|
Alipin ng pag-ibig Niya Ako’y pumapayag, Siya ay namatay, nagdusa, Gapos ko’y kinalag. |
6
|
Kaibig-ibig ngalan Mo, Mapagbiyaya Ka, Kung may sampung libong puso, Sa Iyo bawa’t isa. |