Landas ko piliin Mo
1
|
Landas ko piliin Mo, Sa Iyo di lalayo, Hirap man tatahakin Nang Ika’y maangkin; Wala ’kong minatamis Kundi ang Iyong nai, Lubos Kitang susundin At buong giliw rin. |
Batid Mo kay hina ko, Tanganan Mo ako, Kundi ’ko’y mamamanglaw, Gabayan Mo lang ako, Dalhin sang dako, Anuman Iyong piliin Di Ka tatanungin. |
|
2
|
Mahirap o madali, Basta Iyong pinili, May galak tatanggapin Nang matuwa ka rin; Ayaw kong maging puno, Kahit na gusto Mo, Piliin ang landas ko, Utos Mo’y batas ko. |
3
|
Tangan Mo ang oras ko, Haba niya’y alam Mo, Palad kong binalak Mo, Di akong may gusto; Magtiis king mithi Mo, Ako’y di lalayo, Kahit mahaba ito Pagtitiisan ko. |
4
|
Ako’y sisidlang munti, Ikaw mamimili, Ligaya o pigahati Ikaw ang maghari; Ang sakit ay matamis Kung ito’y Iyong nais, Tamasa ma’y papait Kung b’yaya’y ikait. |
5
|
Para sa ’kin pumili, Maliit, malaki, Sakit o kalusugan, Hiya o pangalan; H’wag akong pagpiliin Sariling damdamin, Hindi na papansinin, Ika’y l’walhatiin. |