Katawan Mo, Iyong tinubos
1
|
Katawan Mo, Iyong tinubos, At nobya, Poong Hesus; Kapuspusan, kahayagan, Nahayag ang Iyong yaman. Lahat-lahat Ka sa kanya, Yaman Mo’y hinayag niya; Bin’hagi kal’walhatian, Lubos Mo siyang babaran. |
O banal na siudad, May gloryang liwanag! Kahayagan Niyang kumpleto, Sa pagka-tao. |
|
2
|
Diyos at tao’y naihalo, Pagkamakadiyos ito! Glorya ng Diyos, kapuspusan, Tao’y Kanyang tahanan. Ang unibersang sisidlan, Sa Diyos ay kahayagan; Naihalo kabanalan, Glorya’y may kahayagan. |
3
|
Buhay na pagkakabuo, Ng transpormadong tao, Gaya’y batong mahalaga, Naiwangis sa Kanya: Tubig ng buhay umagos, Mula sa trono ng Diyos; Kristo’y puno ng buhay nga, Namungang masagana. |
4Gintong pat’ngan-ng-ilawan, Kristo ang siyang ilawan. Diyos nasa loob ni Kristo, Sinilang ng ’Spiritu. Sukdulang kaganapan Siya, Tao’t Diyos walang hanggan, Sa isa’t isa’y tirahan, Layuning walang hanggan. |