Kay Kristo ang kalayaan
1
|
Kay Kristo ang kalayaan, Pinalaya na ako! Kasalana’t kamatayan, Lubos ang pagkatalo! |
Higit pa sa magtagumpay, Sa krus magmamapuri, Ang kautusan ng buhay Nagpapalakas lagi! |
|
2
|
Si Kristo ang nagpalaya Sa bawa’t kautusan; Buhay ayon sa biyaya, Ay walang kaapihan. |
3
|
Kasalana’y nahatulan, Nalipol kanyang lakas; Wala na siyang katayuan, Gapos sa aki’y kalas. |
4
|
Kamataya’y dinaig Niya, Buhay ipinahayag; Kamataya’y walang bisa, Pagkabuhay matatag. |
5
|
Satanas, kasam’an, mundo, Nilipol na ni Kristo; Kadiliman ay naglaho, Buhay, ilaw natanto. |
6
|
Biyayang sapat ay kamtan, Kanyang kapangyarihan; N’ging sakdal sa kahinaan, At ako’y nasisiyahan. |