Mahal naming Kristo ng Diyos
1
|
Mahal naming Kristo ng Diyos, Awit sa Iyong lubos; Katubusan tinupad Mo, Pala’y aming ’tamo. Ika’y lumuklok sa trono, Kalaban tinalo. Tungo sa kaharian Mo, Dadalhin Mo ako. |
2
|
Mahal naming Kristo ng Diyos, Awit sa Iyong lubos; Kamataya’y nilusob Mo. Hari do’n tinalo. Ang alabok na tahanan, Tinalong lubusan; Ikaw pa rin ang may tangan, Sa Hades, libingan. |
3
|
Mahal naming Kristo ng Diyos, Awit sa Iyong lubos; Mapanghimagsik na dyablo. Sa krus winasak Mo. Kapangyarihan ng buhay, Hades walang saysay; Lakas ng dilim, wala na Bihag pinalaya. |
4
|
Mahal naming Kristo ng Diyos, Awit sa Iyong lubos; Mandaraig at Poon din, Nagpalaya sa ’kin. Lakas ng kaligtasan Ka, Ako’y pinalaya. Sa Iyo nga’y, kal’walhatian, Hanggang walang hanggan. |