Hesus, karilagan

B96 C143 CB175 E175 G175 K143 P85 R126 S83 T175
1
Hesus, karilagan,
Hari ng kalikasan;
Anak ng Diyos, at ng tao,
Ika’y minamahal,
Ika’y dinarangal,
Ika’y l’walhati’t putong ko.
Hesus, karilagan,
Hari ng kalikasan;
Anak ng Diyos, at ng tao,
Ika’y minamahal,
Ika’y dinarangal,
Ika’y l’walhati’t putong ko.
2
Parang ay luntian,
Magandang kakahuyan,
Tagsibol, Ika’y dinamtan,
Higit Kang sariwa,
Higit Kang maganda,
Pusong hapis nag-awitan.
Parang ay luntian,
Magandang kakahuyan,
Tagsibol, Ika’y dinamtan,
Higit Kang sariwa,
Higit Kang maganda,
Pusong hapis nag-awitan.
3
Liwanag ng araw
At buwang tumatanglaw
Maging bitwi’y magaganda,
Nguni’t hinigtan Mo
Dalisay silay Mo,
Sa lahat natatangi Ka!
Liwanag ng araw
At buwang tumatanglaw
Maging bitwi’y magaganda,
Nguni’t hinigtan Mo
Dalisay silay Mo,
Sa lahat natatangi Ka!
4
Pinakamarikit
Sa lupa at langit,
Nasumpungan sa Iyo, Hesus.
Kaibig-ibig Ka,
Malapit Kang lubha
Tagapagligtas kong Hesus!
Pinakamarikit
Sa lupa at langit,
Nasumpungan sa Iyo, Hesus.
Kaibig-ibig Ka,
Malapit Kang lubha
Tagapagligtas kong Hesus!