Dapat sa lo’b ng Katawan
1
|
Dapat sa lo’b ng Katawan, Gawa’t paglingkod naman; Katawan ang layunin Niya, Tayo ay umayon nga. |
Sa lo’b ng Katawan lagi, Gawa nati’t pagsilbi, Magko’rdina sa isa’t ’sa. Sangkap ng Katawan Niya. |
|
2
|
Pagkasilang-muli natin, Tayo naging sangkap din; Di na dapat nag-iisa, Sa pag’lingkod sa Kanya. |
3
|
Batong buhay naitayo, Bilang buhay na templo; Bilang saserdote ng Diyos, Nagkakaisang lubos. |
4
|
Pagtatayo ay tuparin, Bawa’t pangsyon gagawin; Pundasyon ng paglilingkod Sa Katawan di bukod. |
5
|
Sa gawa’t paglingkod naman, Katawa’y natustusan; Pag lumayo sa Katawan, Hantunga’y kamatayan. |
6
|
Pag nagsilbi sa Katawan, Yaman ng Ulo’y kamtan; Pangsyon ng sangkap tinupad, Sukat ni Kristo’y ganap. |
7
|
Kay Kristo susulong tayo, Tanganan bilang Ulo; Mula sa Kanya ang tustos, Sa sangkap ang pag-agos. |
8
|
Katawan inalay namin, Kami Iyong transpormahin; Upang layon Mo’y malaman, Pagsilbi’y sa Katawan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?