Ayon sa wika Mong b’yaya
1
|
Ayon sa wika Mong b’yaya, Ako’y pakumbaba, Panginoon, gumagawa, Nitong pagtatanda. |
2
|
Katawan dahil sa akin, Nagkaputol-putol, Tipa’y aking iinumin, Pagkain patungkol. |
3
|
Getsemani, malimot ba? Hirap Mo’y nakita, Madugong pawis at dusa, Di Ka maala’la? |
4
|
Kalbaryo ang aking tingnan, Sa krus humingalay, Kordero, di malimutan, Siyang hain kong tunay. |
5
|
Lagi isaisip Kita, Hirap Mo’t pag-ibig, Hangga’t taglay ko’ng hininga Di Ka iwawaglit. |
6
|
At sa muling pagdating Mo, Puspos luwalhati, Ang pinatay na Kordero, Ang isip kong lagi. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?