Kay Kristo nga makiisa

1
Kay Kristo nga makiisa,
Sa gawa ng krus Niya;
Sa suliranin may kaya,
'Pagkat may tulong Niya.
2
Muling-nabuhay na Kristo.
Nakiisa tayo,
Liwanag ng krus nakita,
Nabigyang biyaya.
3
Kristong matagumpay kai-sa,
'Spiritu'y may saya;
Banal Niyang ngalan tinawag,
Lakas dyablo'y buwag.
4
Kataas-taasang Isa,
Sa Iyo nakiisa;
Dinaig gawa ng d'yablo,
Sa krus Mo'y panalo.
5
Kay hiwaga! Maugpong na,
Diyos nga ang may gawa,
Nagligtas dah'l sa Kordero.
Purihin Siya mismo.