Naligaw—sagipin
1
|
Naligaw—sagipin, Sawi—ibigin, Agawin sa sala't kamatayan; Salarin—tangisan, Lugmok—ahunin, Hesus magliligtas, iyong sabihin. |
Naligaw—sagipin, Sawi—ibigin, Mahabaging Hesus, Magtutubos! |
|
2
|
Kahit kinukutya, Naghihintay Siya, Tatanggapin sinumang nagsisi, Taimtim, mayumi, Sumasamo Siya, Patatawarin ang maniwala. |
3
|
Ang puso ng tao Duróg ng diyablo, Baón sa pighati nang matagal; Pusong mapagmahal Ang siyang nagbawi, Sirang kuwerdas aalalad muli. |
4
|
Naligaw—sagipin, Ating tungkulin, Panginoon ang magpapalakas, Makitid na landas Sila'y akitin, Ililigtas ni Hesus ngayon din. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?