Magwika Ka, Poon
1
|
Magwika Ka, Poon, 'Ko'y nag-aabang; Puso ko'y tahimik Na umaasam. |
2
|
Magwika Ka, Poon, Ako'y taimtim; Mukha Mo'y mamasdan, Lakas Mo'y damhin. |
3
|
Salitang sinabi Totoong buhay; Tinapay ng langit, Pagkaing tunay. |
4
|
Sarili'y di akin, Lahat ay sa Iyo; Masayang pagsuko, Sa Iyo lang ako. |
5
|
Magwika sa akin, Huwag kang magtimpi; Buhay Mong salita, Ang aking mithi. |
6
|
Bigyang kaalaman Ng Iyong naisin; Tanang kaluguran, Sa anak tupdin. |
7
|
Gaya ng 'sang hardin, Puspos ng samyo; Buhay ko'y makita, Sa presensiya Mo. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?