Salitang buhay ng Diyos Ka

C53 CB58 E58 G58 K53 P37 R47 T58
1
Salitang buhay ng Diyos Ka,
Laging kasama Niya
Iyong hinayag l'walhati Niya,
Nang nasa lupa Ka.
Salitang buhay ng Diyos Ka,
Laging kasama Niya
Iyong hinayag l'walhati Niya,
Nang nasa lupa Ka.
 
Purihin Ka, O Salita,
Sa Iyo Diyos nakita!
Kanyang katangia't gloria,
Iyong ipinakita.
Purihin Ka, O Salita,
Sa Iyo Diyos nakita!
Kanyang katangia't gloria,
Iyong ipinakita.
2
Binigkas ng kalangitan,
Ang kal'walhatian.
Tinanghal ng sangnilikha,
Lakas at galing Niya.
Binigkas ng kalangitan,
Ang kal'walhatian.
Tinanghal ng sangnilikha,
Lakas at galing Niya.
3
Salita ng Diyos, kay yaman!
Mapatotohanan!
Nahayag Ka sa Salita,
Nang Diyos makilala.
Salita ng Diyos, kay yaman!
Mapatotohanan!
Nahayag Ka sa Salita,
Nang Diyos makilala.
4
Naging laman Ka, Salita,
Namuhay sa lupa;
Lahat Mong salita't kilos,
Naihayag ay Diyos.
Naging laman Ka, Salita,
Namuhay sa lupa;
Lahat Mong salita't kilos,
Naihayag ay Diyos.
5
Salita, Ikaw ang buhay!
Liwanag ding buháy!
Buháy na nagliliwanag
Nang Diyos maihayag!
Salita, Ikaw ang buhay!
Liwanag ding buháy!
Buháy na nagliliwanag
Nang Diyos maihayag!
6
Gagawad ng kahatulan,
Makitang kat'wiran;
Upang Diyos mahayag lubos,
Nang lalong matalos.
Gagawad ng kahatulan,
Makitang kat'wiran;
Upang Diyos mahayag lubos,
Nang lalong matalos.
7
Kahayagang lubos ng Diyos,
'Pinakita ang Diyos!
Hindi na nakukubli Siya,
Lubos nadeklara!
Kahayagang lubos ng Diyos,
'Pinakita ang Diyos!
Hindi na nakukubli Siya,
Lubos nadeklara!