Kristo ang tanging katotohanan
1
|
Kristo ang tanging katotohanan Ng Pagka-Diyos, tao't bagay—tanan; Kung wala Siya, Diyos di matagpuan, Lahat man ay kasinungalingan. |
2
|
Mga sagisag, mga larawan, Malaki't maliit na kailangan, Anino lamang ni Kristong tunay, Sa akin Siya ang lahat ng bagay. |
3
|
Hungkag ang mga bagay at gawa, Kung di Kristo'ng pumuspos sa gitna; Buong mundo ma'y aking makamtan, Kung walang Kristo, may kakulangan. |
4
|
Kristo'y tunay na Diyos, Panginoon, Tunay na liwanag, saan naroon, Damit kong tunay, tubig na buhay, Aking panlasa at aking buhay. |
5
|
Teolohiya o doktrina man, Kristo'ng dapat na katotohanan, Kung walang Kristo hungkag ang alam, Maging Biblia'y pawang titik lamang. |
6
|
Kristo ang katunayan ng tanan, Ng panahon, dako, at anuman; Kristo ang tanging katotohanan, Walang hanggan, walang katapusan. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?