Abba Ama, purihin Ka
1
|
Abba Ama, purihin Ka, Sa Iyo ay sumasamba; Ang makilala Ka, Ama, Ay aming pagpapala. Dahil sa dugo ni Kristo, Pribilehyo'y natamo. 'Spiritu Mo't 'spiritu ko Saksing ako'y anak Mo. |
2
|
Mundo bago pa natatag, Kay Kristo Iyong binalak. Maitalagang anak Mo, Iyong buhay ri'y matamo. Abba Ama, Iyong pagsinta, Kami'y minahalaga; Nang kaming makasalanan Iyong likas bahaginan. |
3
|
Nang kay Adam aming likas, Sa Diyos hindi na bukas. Sa layuning walang hanggan, Ikaw rin ang hantungan. Kanya ngang tinubos kami, Nang maisilang-muli. O, taas, lalim ng awa Kristo't kami'y nagkai-sa. |
4
|
Tiempo nga'y pabagu-bago, May pighati o gulo, Di mabago Iyong pagsinta Sa ami'y nagdadala Sa luklukan Mo'y haharap. Kami'y Iyong mga anak Sasaysayin Iyong pagligtas, Pupuring walang wakas. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?