Noon sa Ehipto ako'y alipin ng sala
1
|
Noon sa Ehipto ako'y alipin ng sala, Bigat ng sala'y dumagsa, walang payapa; Ngayon makalupang bagay di ako madala, Di matinag sa mabuting lupa. |
Sa bundok nakatira, langit maaliwalas, Sa bukal umiinom, laging umaawas; Oo, ako ay nagpipista sa mannang masagana, 'Pagkat nasa mabuting lupa! |
|
2
|
Kordero ng Paskua sa 'kin dugo Niya'y tumubos, Ako ay nabautismuhan, malayang lubos; Kahit may pagsubok may lakas namang tumustos, Sa mabuting lupa ay maayos! |
Sa bundok nakatira, langit maaliwalas, Sa bukal umiinom, laging umaawas; Oo, ako ay nagpipista sa mannang masagana, 'Pagkat nasa mabuting lupa! |
|
3
|
Iniakyat ni Kristo na kasamang naupo, Kapangyarihan ng dyablo'y lubos natalo; Sa ngalan ng Panginoon, Hades nagapi na, Matagumpay sa mabuting lupa. |
Sa bundok nakatira, langit maaliwalas, Sa bukal umiinom, laging umaawas; Oo, ako ay nagpipista sa mannang masagana, 'Pagkat nasa mabuting lupa! |
|
4
|
Dito'y may kapayapaan, anong kagalakan, Wala nang pagkaulila at kapanglawan; Bawa't dako'y may awit, kay tamis ng pagsinta, Aleluya mabuti ngang lupa. |