1
Bukal ng buhay sa aking espiritu—
Dumadaloy Diyos Tres-uno;
Mula sa Diyos Ama, Daa'y Anak Kristo
Namahagi'y Espiritu.
Dumadaloy Diyos Tres-uno;
Mula sa Diyos Ama, Daa'y Anak Kristo
Namahagi'y Espiritu.
Agos ng buhay mahalin ko,
Kalul'wang buhay ko'y isuko
Palalimin agos ng buhay
Buhay putong ko pagdating Mo.
Kalul'wang buhay ko'y isuko
Palalimin agos ng buhay
Buhay putong ko pagdating Mo.
2
Sa lunting pastulan pinahimlay ako;
Inakay nang mapahinga;
Sa daloy ako'y sakdal na pinagpala,
Walang saysay pagsikap ko.
Inakay nang mapahinga;
Sa daloy ako'y sakdal na pinagpala,
Walang saysay pagsikap ko.
3
Ako'y tinawag sa kabanal-banalan;
Mamuhay sa presensya Niya;
Aleluya sa salitang narinig ko:
"Manahan—sanga sa puno."
Mamuhay sa presensya Niya;
Aleluya sa salitang narinig ko:
"Manahan—sanga sa puno."