Kay inam! Tinig ng puri
1
|
Kay inam! Tinig ng puri, Sa lahat ng dako't oras; Kung wika nati'y tinimpi, Sigaw ng bato'y lalabas. |
2
|
Dahil sa dugo'y binili, Tayo'y magpuri sa Kanya, 'Binigay Niya ang Sarili, Kamataya'y tinikman Niya. |
3
|
May tanging awit sa mundo, Alam ng salaring ligtas, Di alam ng ibang tao Na di pa nakararanas. |
4
|
Anghel makapagsasabi: Habag nagmula sa dugo, Nguni't tayo'y may bahagi Sa bisa't biyaya nito. |
5
|
Anghel pupuri't sasamba, Umaamin na Siya ay Diyos, Nguni't maging sa trono, Siya Ay may pagka-taong lubos! |
6
|
Pagsinta Mo ang dahilan Ng pagkamatay Mo sa krus; Pagbalik Mo'y aabangan, Papuri't pagsamba'y puspos. |