May Isang kusang namatay para sa 'kin

E1067 T1067
1
May Isang kusang namatay para sa 'kin,
Upang buhay aking maangkin,
Landas tungo sa krus tinahak Niyang kusa,
Nang mapatawad aking sala.
May Isang kusang namatay para sa 'kin,
Upang buhay aking maangkin,
Landas tungo sa krus tinahak Niyang kusa,
Nang mapatawad aking sala.
 
Sala ko'y pinasan,
Sala ko'y pinasan,
O gaano'ng Kanyang pinasan!
Anong lugi't dusa,
Sa krus Siya'y nagpunta!
Dinala Niya ro'n aking sala!
Sala ko'y pinasan,
Sala ko'y pinasan,
O gaano'ng Kanyang pinasan!
Anong lugi't dusa,
Sa krus Siya'y nagpunta!
Dinala Niya ro'n aking sala!
2
Magiliw Siya't mapagmahal, matiyaga,
Nang puso ko'y nililinis Niya;
Walang paghatol na, ako'y malaya na,
'Pagka't sa krus sala'y dinala.
Magiliw Siya't mapagmahal, matiyaga,
Nang puso ko'y nililinis Niya;
Walang paghatol na, ako'y malaya na,
'Pagka't sa krus sala'y dinala.
3
Kakapit ako sa Tagapagligtas ko,
Hindi na sa Kanya lalayo -
Puso ko't labi aawit nang masaya,
Inalis na lahat kong sala!
Kakapit ako sa Tagapagligtas ko,
Hindi na sa Kanya lalayo -
Puso ko't labi aawit nang masaya,
Inalis na lahat kong sala!