Anyaya'y narinig -

C726 CB1051 E1051 F202 G1051 K726 P460 R767 S483 T1051
1
Anyaya'y narinig -
Ikaw ay tanggapin
Yamang dugo Mo'y nabuhos,
Budhi ko'y linisin.
Anyaya'y narinig -
Ikaw ay tanggapin
Yamang dugo Mo'y nabuhos,
Budhi ko'y linisin.
 
Panginoon ko,
Nalapit sa Iyo.
Linisin sa dugo Mo
Buhos sa Kalbaryo.
Panginoon ko,
Nalapit sa Iyo.
Linisin sa dugo Mo
Buhos sa Kalbaryo.
2
Ako nga'y marumi't
Walang kabutihan;
Sa Iyong biyaya at tulong
Sala'y nahugasan.
Ako nga'y marumi't
Walang kabutihan;
Sa Iyong biyaya at tulong
Sala'y nahugasan.
3
Atas Mong taimtim -
Sala ko'y lisanin,
Magsisi, sa Iyo'y manalig,
Ikaw ay tanggapin.
Atas Mong taimtim -
Sala ko'y lisanin,
Magsisi, sa Iyo'y manalig,
Ikaw ay tanggapin.
4
Bigkas Mo'y biyaya,
Espiritu'y ilaw,
Nang kahinaan ko'y lantad;
Sandigan ko'y Ikaw.
Bigkas Mo'y biyaya,
Espiritu'y ilaw,
Nang kahinaan ko'y lantad;
Sandigan ko'y Ikaw.
5
Espiritu'y taglay,
Kaya't buhay akin;
Pangako ng Diyos natupad,
Nang Ika'y tanggapin.
Espiritu'y taglay,
Kaya't buhay akin;
Pangako ng Diyos natupad,
Nang Ika'y tanggapin.
6
Ang Diyos ay pag-ibig!
Siya ang kaligtasan!
Dugo ni Hesus—pantubos!
Lahat ko ay laan.
Ang Diyos ay pag-ibig!
Siya ang kaligtasan!
Dugo ni Hesus—pantubos!
Lahat ko ay laan.