Favorites
Hesus, t'wing maisip Kita
- Hesus, t'wing maisip Kita
Nang nasa lupa Ka:
Sa tao'y mapagbiyaya,
Sa Diyos tapat Ka nga. - Pag-ibig Mo'y hamakin man,
Daig kamatayan;
Sibat sa Iyong tagiliran,
Dugo't tubig kamtan. - Kahit lubha Kang nagdusa,
Gawa Mo'y mabuti;
Walang daing, tanggap Mo pa
Lahat ng pighati. - Tao'y taksil, ika'y tapat,
Dilim siya, Ilaw Ka,
Layunin ay Iyong tinupad,
Kalo'ban ng Ama. - Di Ka natinag sa dusa
O lalang ng diyablo,
Sa kamatayan, nag-isa,
Walang karamay Mo. - Nais kong makatulad Mo
Sa Iyong kaamuan,
Lahat sa Iyo ay matuto -
May kapayapaan.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs