Favorites
Lumalakad sa liwanag ng Salita
- Lumalakad sa liwanag ng Salita,
L'walhati tumanglaw sa akin,
Sundin ko lamang Siya at pupunuin Niya
Ang nagtiwala't masunurin. - Magtiwala, tumalima lamang,
Nang si Hesus masiyahan,
Ito'y tanging daan.
- Lupa'y walang dilim, langit walang ulap
Na di-mapawi ng ngiti Niya;
Walang duda't takot, walang luha't hirap
Di-maparam kung magtiwala. - Walang pinapasan, walang kalungkutan
Na di-ipagmalasakit Niya;
Hapis at kawalan, tatwa, kahihiyan,
Maging biyaya, magtiwala. - Nang maunawaan tamis, pag-ibig Niya,
Ihandog lahat sa dambana;
Binibigyan Niya ng galak at biyaya,
Tanging mga tagasunod Niya. - Matamis na pagsasalamuha rito,
Sa paglakad kasabay ko Siya;
Gawin ang sinabi, sundin pagsusugo,
Huwag matakot at magtiwala.
Details
Links
Related Songs
Other Languages
See Also
Random Songs