Kalooban ko’y mahina

1
Kalooban ko’y mahina,
Pag-asa ko’y nawalang tanan;
Sa Iyong gawa’y nagtitiwala,
Ako’y marahan Mong gabayan.
2
Gumawa nguni’t nabigo,
Tulad ng dati’y natisod pa;
Tiwala’y nasa pagti’is Mo,
Na Iyong ingatan sa salita.
3
T’wing puso ko’y magpalalo,
Malapit na sa katisuran;
Di mangahas gumawa ako
’Pagka’t Kita’y aking kailangan.
4
Tagapagligtas lakas ko,
O hinahangad ko Iyong mukha;
Kahit pinakamahina ’ko,
Lakas ko’y Iyo lamang biyaya.