Favorites

Ika'y Anak walang-hanggan

  Mode: MP3/MIDI
  1. Ika'y Anak walang-hanggan,
    Panlahat ang kamatayan,
    Kaisang espiritu Mo
    At buhay aking natamo.
    Kaisa sa Anak sinta,
    Tagapagmana ng Ama,
    Ako'y naging bahagi Mo,
    Tahanan ng Espiritu.
  2. Kaisa Mo, Anak-tao,
    Bahagi ng Katawan Mo,
    Sa pagsilang Mo'y kasabay,
    Kalakip sa paglalakbay.
    Pinahiran, kaisa Mo
    Tumanggap ng Espiritu,
    Bawa't oras, bawa't araw,
    Kasama Mong gumagawa.
  3. Itinakwil na Anak Ka,
    Hinatulan, isinumpa,
    Kamatayang kalakip Mo,
    Hades at sala'y tinalo.
    Sa pagkabuhay kai-sa Mo,
    Kamatayan Iyong tinalo;
    Namuhay sa kabaguhan
    Namunga ng katuwiran.
  4. Kai-sa, Anak na umakyat,
    Sa trono'y higit sa lahat,
    Taglay Mong kapangyarihan
    Ay akin ding katayuan.
    Kai-sa, Anak na babalik,
    Sa l'walhati at paglapit
    Ng Iyong mahal na presensiya,
    Magpakailanman kaisa.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds