Favorites

L'walhati kay Hesus -

  Mode: MP3/MIDI
  1. L'walhati kay Hesus -
    Hirap inako;
    Galing sa ugat Niya,
    Dugo'y binubo.
  2. Biyaya't buhay sa
    Dugo'y nakita;
    Awang pinagpala
    At masagana.
  3. Dugong umaagos,
    Di humuhupa,
    Ang tao'y tinubos,
    Sa pagdurusa.
  4. Dugo ni Abel, ang
    Samo ay ganti;
    Kay Hesus, patawad
    Ang isinukli.
  5. Budhi'y nawisikan,
    Puso'y malaya;
    Dyablo ay tatakas
    Sa pagkagitla.
  6. Mundo'y nagdiriwang
    At nagpupuri;
    Anghel nag-'awitan
    At nagbubunyi.
  7. Tinig ninyo'y laksan,
    O mga banal;
    Bigyan ng papuri,
    Dugo Niyang mahal.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds