1. Bago pa nagsimula ang daigdig at panahon,
    Bugtong na Anak Ka, nasa piling ng Ama noon.
    Persona Mo’y di nagbago nang ’binigay ng Ama,
    Kapuspusan ng Ama sa Espiritu’y makita.
  2. Kamataya’t pagkabuhay, ginawa Kang Panganay,
    Mga anak—bunga ng pamamahagi ng buhay.
    Buhay Mo’y nagpalaganap, kami’y mga kapatid,
    Kami’y Iyong pagpaparami, paglaki’y walang patid.
  3. Isang butil ng trigo Ka at namatay sa lupa,
    Kamataya’t pagkabuhay—l’walhati’y ’pinakita;
    At kami’y Iyong isinilang na maging mga binhi,
    Naghalo, naging tinapay: Katawang mal’walhati.
  4. Kami’y Iyong pagpaparami, Katawan, kasintahan,
    Kahayagan at kapuspusan, lagi Mong tahanan;
    Iyong paglawak, karugtong, at paglago ng buhay Mo,
    Paggulang, pag-apaw ng yaman, at kaisahan Mo.
  5. Pantaong balat nabasag, glorya’t buhay nahayag,
    Nang Sarili Mong paglakip sa hirang Mo’y dumagdag;
    Ika’y nasa loob namin, kami’y nasa loob Mo,
    Mannang kubli’y kinakain, sapit Her’salem bago.