Favorites

O Panginoon pagkaganda

  Mode: MP3/MIDI
  1. O Panginoon pagkaganda,
    Ngalan Mo sa lupa;
    Bawa't bayan, lipi't wika,
    Itanghal halaga.
    Mula sa bibig ng sanggol,
    Itinatag puri;
    Upang Iyong patahimikin,
    Kaaway tapusin.
  2. Nang sansinukob pagmasdan
    Hayag karunungan;
    Araw, buwan, mga bituin,
    Pawang gawa Mo rin.
    Ano ba ang tao sa Iyo't
    Mal'sakit Mo'y husto?
    Ang Tao'y Iyong binisita
    Sa Iyong ekonom'ya.
  3. Hesus, Panginoon 'Ka'y Tao,
    Sa 'min nakihalo.
    Ibinihis Mo ang laman,
    May kapakumbabaan.
    Ngayon Ika'y pinutungan
    Ng kal'walhatian.
    Ngayon din sa Iyong Katawan,
    Lahat pinagharian.
  4. Pagi'ng tao Mo't pagbangon,
    Pagkapanginoon,
    Pagkaulo't kaharian,
    Nakita Katawan.
    Kada hakbang ng gawain
    Puri'y natatag din.
    Puso nami'y umaapaw,
    Tinig alingawngaw.
  5. Araw yaon ay malapit
    Lahat ay aawit;
    Sa mga ekklesia lokal,
    May tikim na banal.
    O Panginoon anong ganda,
    Iyong ngalan sa lupa!
    Bawa't bayan, lipi't wika,
    Itanghal halaga.

Details

Links

Related Songs

Other Languages
See Also

Random Songs

Jukebox









  

   seconds