Nakikiramay ba si Hesus

1
Nakikiramay ba si Hesus,
Kung ako'y nasasaktan
Sa kahirapan,
Kapighatian,
At pasang krus pa ang daan?
  Oo, nakikiramay Siya,
Ang puso Niya'y nasaktan,
Kapag ang araw
ay may kalungkutan
Nakikiramay Siya.
2
Nakikiramay ba si Hesus,
Kung natatakot ako,
Pagtakip-silim,
At dumidilim,
Siya ba ay nasa piling ko?
3
Nakikiramay ba si Hesus,
Kung mithing tagumpay na
Pinagsikapan,
Di ko nakamtan,
Walang patid ang pagluha?
4
Nakikiramay ba si Hesus,
Kung sa 'king pagpaalam,
Sa aking sinta
Rito sa lupa;
Puso ko'y nasusugatan?