Sa krus ako'y idulog
1
|
Sa krus ako'y idulog, Nang mapagaling Mo, Naglulunas na daloy, Galing sa Kalbaryo. |
Nasa krus, nasa krus, Ang luwalhati ko; Di na mahihiwalay Krus sa kalulwa ko. |
|
2
|
Sa Iyong krus nakatamo, Pag-ibig at awa; Sa aki'y sininag Mo Ningning ng Iyong tala. |
3
|
Ako'y dalhin sa tagpo Ng Iyong pagkapako! Tulungan ang lakad ko Sa lilim ng krus Mo. |
4
|
Malapit sa krus, ako Sa Iyo'y maghihintay, Nang makita'ng mukha Mo, Di muling mawalay. |
Delete Comment
Are you sure you want to delete this comment?